Ang Nakaraan at Ang Kasalukuyan
Marami na talaga ang pagbabago na nagaganap sa ating pang-araw-araw na gawain at buhay kasabay ng pagbabago ng panahon. May mga bagay at pangyayari sa nakaraan na nagbago na sa kasalukuyan. Ang mga nakasanayan ng gawin at gamitin ng ating mga magulang at ninuno noong 30 taon na ang nakararaan ay nag-iba at nagbago na ngayon sa kasalukuyan. May mga bagay na kinagigiliwan ng mga tao noong nakaraan na hindi na gaanong ginagamit o napapakinabangan sa kasalukuyan. Halimbawa ng pagbabagong ito ay ang mga teknolohiya, mga nakaugalian, paniniwala at marami pang iba. Kasabay ng pagbabagong ito ay nagbago na rin ang ating pakikipagkomunikasyon at pakikipagkapwa-tao. Upang mas lalong maintindihan ang pagbabagong ito, narito ang ilan sa mga bagay, kaugalian, paniniwala at marami pang iba na magpapalinaw sa kung ano nga ba ang meron sa nakaraan na nagbago na sa kasalukuyan.
Medya/Teknolohiya
Sa teknolohiya, ang mga ginagamit noong nakaraan ay yaong black and white na TV sa panonood ng mga pelikula at teleserye, typewriter sa pag-eencode, keypad na selpon, radyo na de baterya, at meron pang iba.
Sumikat at sumibol na rin ang iba't ibang teknolohiya kagaya ng headset, ipad, printer, bluetooth, monopod, powerbank, peojector at maraming pang iba.
Sosyal na Pakikipag-ugnayan


Sa kasalukuyan, dahil sa makabagong teknolohiya, napapadali na ang ugnayan at paghahatid ng mga mensahe sa iyong mahal sa buhay sa pamamagitan na lamang ng text, tawag, chat, videocall, Facebook, Messenger, Skype at marami pang iba. Hindi mo na kailangan pang maghintay ng ilang buwan maipadala lamang o matanggap ang isang sulat. Sa makabagong panahon, isang text mo lamang, segundo lang ang aantayin mo at maaari mo nang maipadala ang mensaheng nais mong maiparating. Kahit na malayo ang isang tao sa iyo o nasa ibang dako siya ng mundo, parang nasa tabi at kasama mo lang siya dahil sa makabagong teknolohiya.
Paniniwala at Pagpapahalaga

Sa paniniwala at pagpapahalaga, noong nakaraan ay kung ano ang sinasabi ng mga magulang ay iyon ang pinaniniwalaan at pinahahalagahan ng mga kabataan. Kinakailangan na pagsapit ng kainan, dapat ang lahat ng kasapi ng pamilya ay sabay-sabay na kakain. Pagsapit ng alas 5 o alas 6 ng gabi, dapat nakauwi na at nasa loob na ng bahay ang lahat.
Nagpapakita sila ng paggalang sa pamamagitan ng pagmamano at pagsabi ng "po" at "opo".
Sa kasalukuyan, ang bawat kasapi ng pamilya ay may kanya-kanya ng mga mundo. Hindi na pinaniniwalaan at binibigyang halaga ng mga kabataan ang kanilang mga magulang. Hindi na nagpapaalam kung aalis. Gabing-gabi na kung umuwi. Kapag inuutusan, nagdadarambog pa ang mga ito. Hindi na rin nagbibigay galang sa nakakatanda, hindi na nagmamano o nagsasabi ng "po" at "opo".
Sa kabila ng mga pagbabagong ito, may mga bagay, paniniwala, nakaugaliang gawin na nananatili at patuloy pa rin na ginagamit o umuusbong ngunit bihira na lang sa kasalukuyan. May nakikita at naoobserbahan pa rin akong mga tao ngayon sa kasalukuyan na gumagamit ng mga keypad na selpon, radyo, typewriter at marami pang iba. May mga kabataan pa rin naman na naglalaro ng habol-habolan, bahay-bahayan kasama ang mga kaibigan. May mga pamilya pa rin na sama-samang kumakain, at may mga kabataan pa rin na nagpapakita ng paggalang, nagmamano at nagsasabi ng "po" at "opo".
Ang lahat ng bagay ay nagbabago at hindi natin iyon maiiwasan at mapipigilan. Ngunit pakatandaan lang natin na ang mga bagay at pangyayari sa nakaraan ang naging dahilan at sandigan kung anong meron at nasaan tayo ngayon sa kasalukuyan. Huwag nating kalimutan ang nakaraan dahil naging parte na rin ito ng ating buhay na magsisilbing gabay at inspirasyon natin para sa susunod na henerasyon.